Kwentong Kakampi: How JuanLife Helps Our Distributors Grow

Iba-iba ang dahilan natin sa pagtatayo ng negosyo. Nandiyan ang freedom, o kalayaang maging sarili mong boss. Nandiyan rin ang pagsunod sa iyong passion, o gustong gawin sa buhay. Pero kung iisipin natin, hindi sapat ang freedom o passion para tuluyang mabuhay ang negosyo. Kailangan ring maging madiskarte, at mag-isip ng mga paraan kung paano ito lalago, at makakuha ng dagdag pang customer.

Gaya na lamang ito ni Jenylyn Orense at ng kanyang dalawang business partners, na sina Rowena Serafines at Nelly Santos  na may-ari ng bills payment center at personal care business sa Baliuag, Bulacan. Jenylyn and her partners want their businesses to grow even further, kaya naisip nilang maghanap pa ng maidadagdag na produkto to their current offerings.

Thankfully, nakita nila ito sa JuanLife Insurance.  Ngayon, their business has expanded.  May dagdag product offering sila sa kanilang mga walk-in customers at sa kanilang mga personal care customers. Sa kasalukuyan, may sampung dealers sina Jenylyn and naghahanap pa sila ng mga interesadong maging dealers ng JuanLife.

Paano nga ba ito nangyari, and how exactly does JuanLife help your business? Alamin ang buong kwento ni Jenylyn in her own words.

  1. Tutulungan ka naming magkaroon ng additional income.

 Kwento ni Jenylyn, mas lumawak ang kanilang pwedeng mapagbentahan sa pagpasok ng JuanLife sa kanilang business.

“Naghahanap kami ng iba pang products kasi sayang naman yung network namin. Napaka-handy ng JuanLife at madali lang siyang i-explain.  Additional income para sa aming lahat ito.”

  1. As a Distributor, we will provide marketing support for your business, para mas marami kang makausap na kliyente.

 Ayon kay Jenylyn, mas naipagmamalaki nila ang kanilang business ngayon, di lamang sa kanilang mga walk-in customers, kundi na rin sa mga ibang kumpanyang nilalapitan nila.

 “Malaki ang improvement namin, professionally.  Dati, di naman kami lumalapit sa companies.  Ngayon, may confidence kaming makipag-meet sa kanila, kasi maayos na produkto ang JuanLife. Presentable siya at legit. Tinulungan rin nila kaming gumawa ng business proposal at presentation materials.”

  1. JuanLife helps you move beyond product selling. Tutulungan ka naming magbigay-serbisyo sa iyong customers.

 JuanLife will help you grow not just as a business, but also as a provider of services that your customers need. Dadami ang iyong matutulungan, kagaya ni Jenylyn.

“Yung mga customers namin sa bills payment, ‘pag nakikita yung marketing collaterals sa office, nagtatanong sila kung ano ang JuanLife. So pinapaliwanag namin sa kanila.  Madalas families ang bumibili sa amin. Binibilhan din po nila ang mga anak nila kasi bumabiyahe sila papunta sa school.

 As an added service, pini-print rin namin yung Certificate of Insurance para sa customers namin. Proud sila ‘pag nakikita nila yung pangalan nila sa certificate. Kasi dati, di naman nila maisip na kaya nilang bumili ng insurance. Sa JuanLife, kaya nila kasi affordable siya.”

 May-ari ka ba ng business, at meron ka bang current network of sellers? Let JuanLife be the key to your growth as an entrepreneur, and a provider of quality insurance sa iyong customers. Sa P10,000 na puhunan lang, pwede ka nang maging Distributor! Visit JuanLife to know more.

© JUANLIFE Personal Accident Insurance 2019, All Rights Reserved

© JUANLIFE Personal Accident Insurance

2020, All Rights Reserved

8-584-7598

JuanLifePhilippinesOfficial

JuanLifePhilippines

JuanLife TV

JuanLifePh

AskUs@juanlife.com.ph