Kwentong Kakampi Nila Allan at Lorecel Godino: From JuanLife Member To JuanLife Distributor

Sa tuwing pinag-uusapan ang aksidente, kadalasan iniisip ng tao na life-changing ito. Na ‘pag ma-aksidente ka, your life will end. Hindi ka na makakatrabaho like you used to, hindi mo na magagawa ang mga kaya mong gawin dati. Minsan nakakalimutan natin na pagsubok lang ito at pwede pa rin tayo makabawi dito, tulad ng mag-asawang Allan at Lorecel Godino.

Tumutulong lang sa bisita sa kanilang village nung na-aksidente si Allan last October. Pagsasalaysay ni Allan, “Pagkapasok niya ng gate, hindi siya makatuloy sa kanyang pagmamaneho dahil may bakal na barrier na nakaharang. Bumaba siya ng sasakyan at tinataas niya yung barrier. Wala siyang kasamang iba, kaya lumapit ako sa kanya para tulungan siya. Bigla niyang nabitawan ang barrier sa bigat, at doon na naipit yung daliri ko sa kaliwang kamay.”

Dinala agad sa hospital si Allan at naagapan ng especialista ang daliri niya. Dahil sa aksidente, nagtamo siya ng ilang tahi sa kanyang daliri at nag-leave ng tatlong araw mula sa trabaho upang makapagpahinga sa kanilang tahanan. Naalala nila na may JuanLife si Allan nung na-nominate ito sa isang online effort ng JuanLife Philippines sa social media, kaya sinubukan nilang mag file ng claim dito. “Tumawag ako sa opisina ng JuanLife at pinag provide nila kami ng ilang requirements. Ang ginawa ko, kahit hindi nakalista sa requirements, ay sinend ko via e-mail para wala nang hanapin,” kwento ni Lorecel.

Nabigla si Lorecel dahil ibang-iba ang experience nilang mag-asawa kumpara sa unang personal accident insurance provider ni Allan. “Avid fan ako ng insurance,” ani ni Lorecel. “Nasa nature kasi ng trabaho ng asawa ko ang peligro, kaya kinuhanan ko siya ng personal accident insurance para may extra proteksyon siya while on the road.” At dumating na nga ang kinakatakutan nilang mag-asawa – na-aksidente sa motor si Allan nung 2012. Naaalala ni Lorecel na maliban sa maraming validation ang kanilang pinagdaanan dati, inabot rin ng halos 60 days o dalawang buwan ang pagpo proseso ng claim nila. Kaya laking gaan ng loob ni Lorecel nung nalaman niya na mas convenient at hassle-free ang experience nila ngayon with JuanLife.

After mapatunayan na legit ang JuanLife Personal Accident Insurance, in-insure rin ni Lorecel ang ibang miyembro ng kanilang pamilya. Naging daan rin ang huling aksidente ni Allan upang maging JuanLife Distributor si Lorecel. “Nire-recommend ko ang JuanLife sa mga kapamilya, kaibigan at katrabaho namin,” kwento ni Lorecel. Kadalasan ibinabahagi ni Lorecel ang experience nilang mag-asawa at kung papaano magbe-benefit ang mga tao sa JuanLife, lalung-lalo na kung hazardous ang trabaho nila o kung nakatira sila sa areas kung saan laging apektado ng acts of nature.

Tumutulong rin si Allan sa bagong negosyo ng asawa niya sa pamamagitan ng pag-aalok ng JuanLife sa kanyang mga katrabaho. “Shina-share ko sa kanila ang link ng official website ng JuanLife para mabasa din nila at maintindihan kung papaano ba talaga ang JuanLife.” Dagdag niya, “ang sabi ko sa kanila, gumagastos nga tayo ng kung magkano kada sweldo dahil sa kaltas ng loans. Eh, ang JuanLife 1-time payment lang ng P500 o P300, insured ka na. At least, may peace of mind ka knowing na may aasahan ka sa panahon ng aksidente.”

Nasaksihan ng mag-asawang Allan at Lorecel Godino na kahit na ma-involve ka sa aksidente, pwede ka pa rin makabawi when you have JuanLife by your side. Maliban sa claims ni Allan, nagbigay rin ang JuanLife ng way upang kumita ng extra si Lorecel at madagdagan ang ipon ng kanilang pamilya. You too can benefit from JuanLife Personal Accident Insurance. Para sa karagdagan impormasyon, visit juanlife.com.ph.

© JUANLIFE Personal Accident Insurance 2019, All Rights Reserved

© JUANLIFE Personal Accident Insurance

2020, All Rights Reserved

(02) 8 584 7598
Globe: 0917 624 9181
Smart: 0919 075 0698

JuanLifePhilippinesOfficial

JuanLifePhilippines

JuanLife TV

JuanLifePh

WeCare@juanlife.com.ph